"Perpektong Hugis Apa"


     Marami ang namangha sa kagandahang idinudulot ng isang "perpektibong hugis apa". Sa mga hindi pa nakakaalam ang likas na yamang ito at bantog sa tawag na Bulkang Mayon o Mayon Volcano. Kilala ito sa tawag na "perpektong Hugis Apa" dahil sa mala apang hugis ng bulkan.Ito ay isa lamang sa mga kamangha manghang mga likas na yaman ng Pilipinas. Ito ay kinkikitaan din ng isang mapayapang lugar, may likas na tanawin at malinis na simoy ng hangin na makapagbibigay ng kagaanan sa paghinga.
     Ang Bulkang Mayon ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, sa pulo ng Luzon sa bansang Pilipinas . Ito ay isa sa mga dinarayong tanawin sa probinsya ng Bicol.
   Sikat rin ang Bulkang ito dahil sa kasaysayan nito, dahil sa nakaraang pagsabog nito. Isa lamang ang bulkang ito na patuloy na iniingatan dahil maaring makapinsala ang pagsabog nito. Kaya kapag hindi maganda ang kalagayan base sa obserbasyon , mahigpit munang ipinagbabawal ang pagpunta dito. Ngunit kapag ito ay nasa magandang kalagayan , malayang makapupunta ang mga turista.


Mga Komento